by: pinoysmile.ph
Image Source: Philstar.com
Hindi na maikakaila na ang trapik sa Metro Manila ay lalong lumalala taun-taon. Kasabay dito maraming mga Pilipino ang hindi maiwasang maiinis at mapagod sa pagbyahe lalo na sa sa mahahabang kalsada tulad ng EDSA. Katunayan, ang MMDA na mismo ang nagsabi na tayo ay maging pasensyoso tayo sa mga darating na araw dulot ng mas mabigat ng daloy ng trapiko.
Kaya ngayon mas maraming Pilipino ang nagiging mas matalino sa pagbyahe gamit ang iba't ibang paraan.Heto ang ilan sa mga paraan na pwedeng mong gamitin upang maging mas matalino sa kalsada ng Maynila:
1. Huwag nang lumabas ng bahay kapag may "notice" ang MMDA ng Heavy Traffic kagaya ng may bagyo at special holidays. Kung ikaw ay may sasakyan, marapatin nyo nang huwag bumyahe gamit ang malalaking sasakyan upang mabawasan ang volume ng sasakyan sa kalsada.
2. Kung kayo ay lalabas ng isang grupo gamit ang higit sa dalawang sasakyan, mas mabuting mag car pool na lamang kung saan gagamit na lang ng isang sasakyan para sa lahat at nang hindi na makadagdag sa malaking volume ng sasakyan sa Maynila. Tipid din ito sa gasolina ang bawas pa sa polusyon.
3. Gumamit ng MMDA phone app - Gamit ang app na ito, malalaman mo kung anong lugar sa bandang Taft, EDSA, SLEX ang may mabigat na daloy ng trapiko at nang sa ganun, maiiwasan mo naring dumaan doon.
4. Gumamit ng MRT phone app - Kung ikaw ay nagkokomyut sa tren, makakatulong sa iyo ang pag gamit ng MRT na app na nagpapakita ng live streaming ng CCTV ng MRT station upang maiwasan ang estasyon ng tren na mahaba ang pila.
5. Gumamit ng Waze phone app - Ito ay isang magandang app ng phone na nagsasabi kung anong kalsada ang dapat iwasan kapag ikaw ay nagmamaneho ng sasakyan. Malalaman mo rito kung saan ang mga kalsadang mayroong aksidente, at kung saan sadyang maraming mga dumadaang sasakyan na sanhi ng mabigat na trapiko.
6. Gumamit ng easy taxi phone app o di kaya naman ay grabtaxi - Kung ikaw ay magtataxi, maging laging handa. Kumuha ng taxi sa pamamagitan ng pag order nito sa phone app na ito 10 minutes ahead of time upang di masayang ang paghihintay ng taxi na laging may sakay.
7. Aralin ang oras ng labasan ng mga tao at ang kanilang pagdagsa sa pampublikong sakayan at huwag makikisabay sa oras na iyon. Maari kayong maglaan ng oras para sa ibang bagay kagaya ng pag grocery o pagtatapos ng ibang pang urgent na trabaho habang naghihintay ng paghupa ng mabigat na trapiko.
8. Kung meron ka lang naman dadalhin sa iyong kaibigan at katrabaho, maaari mo na lang ipadala ito sa mga kilala nyong courier. Araw-araw sila ay naglilibot sa buong Maynila upang iabot ang sulat o di kaya naman ay mga kagamitan.
--------------------------------------------------------------------------------
Ang Pinoysmile.ph ay isang movement na nagpapaalala sa ating mga kababayang Pilipino na ibalik ang tunay na ugali ng Pilipino, ang Pagpapahalaga sa ating Pamilya at mga Kaibigan.
You may also bring home a smile sa mga mahal sa buhay upang ipakita ang iyong pagmamahal sa pamilya at kaibigan sa Pilipinas ngayon
(delivers to Metro Manila only) . visit us sa aming website.
Build Stronger Relationships.
We deliver your message with the gifts cakes, flowers, fruits with a greeting card to be read by our service team with a free selfie!
To Metro Manila from around the world!
If you like this blog, you can follow us on blogspot or you can join us in facebook for more stories click here. Pinoysmile.ph Global Family
Tags: cakes, delivery, family, flowers, friends, fruits, gifts, Metro Manila, OFW, pinoysmile, relationships, traffic





